Tuesday, July 10, 2012

Mr. DREAMBOY (part 7)

"Bukas pagpasok natin wag kang magpapaapekto sa mga madidinig mo. Hayaan mo lang sila, ang mahalaga nagkakaintindihan tayong dalawa." wika ni Ram.

"Ram.. mahal kita.."

"Ikaw din hon, mahal ko. Hindi ko hahayaang may manakit sayo. Pag may nanggugulo sayo isumbong mo lang sa akin at ako ang bahala."

Ang sarap pakinggan ng mga binitawang salita ni Ram. Ngayon ay handa na akong harapin ang lahat dahil alam kong hindi ako iiwan ni Ram.

Gaya ng inaasahan ay laman kami ng usapan ni Ram sa buong campus. Madaming masasakit na salita akong nadidinig pero di ko yon pinansin. May mga tila kinikilig naman sa amin ni Ram.

Hindi naman naapektuhan ng tsismis ang pagiging presidente nya ng student council.

"Bongga ka frend! Hayaan mo lang yong mga chismosa kasi ikaw ang mahal ni Papa Ram." wika ni Andy.

"Oo naman, basta masaya kami ni Ram yon ang mahalaga."



Sana lang wag matapos ang masasayang araw namin ni Ram. Para nga kaming mag-asawa. Don na sya natutulog sa room ko, ako ang naghahanda ng breakfast namin. Sabay maliligo at papasok. Pati pag lunch ay sabay pa din kami, syempre minsan si Andy.

Isang araw, vacant namin ay nagulat pa ako ng dalawin nya ako sa classroom. Karamihan naman sa mga classmate ko ay okay sa kanila ang relasyon namin ni Ram maliban kay Bernadette.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw lang kita, namiss kita eh."

"Ayyiiiiii! Hansweeeeet naman nila! Kiss mo nga ang frend ko." si Andy iyon.

Bago pa ako makapagsalita ay nahalikan na ako ni Ram.

"Haru josskoooo! Kinikilig ako frend! Ikaw na talaga ang maganda!" masayang wika ni Andy.

Pati ang ibang classmates namin ay mga nakangiti din at panay ang tukso.

"Oh sige mauna na'ko hon.. i love you!" paalam ni Ram.

"I love you more.."

Minsan ay isinama ako ni Ram sa kanila at don ko natuklasan na lumaki sya sa isang hindi normal na pamilya. Ampon sya ng mag-asawang tomboy.

"Kaya madali sa akin na tanggapin kung sino ka dahil sa kinalakihan kong pamilya," wika nya.

Masayang kasama ang mga magulang ni Ram at tanggap nila ako. Naisip ko tuloy na kung ipapakilala ko si Ram sa parents ko ay matatanggap din kaya nila kung ano ang mayroon kami?"

"Sana matanggap din tayo nina mama at papa hon." wika ko kay Ram.

"Sana nga.. pero kung hindi man, maiintindihan ko.." sagot nya.

Pauwi na kami non galing sa kanila. Pinag-usapan namin na minsan ay isasama ko sya sa amin.

"Gusto mo next week dalawin natin sila? Hindi pa kasi ako nakakauwi simula nong pasukan." wika ko.

"Sige hon.. pero kapag tinanong kung sino ako, anong sasabihin mo?"

"Wag natin siguro sila biglain.. kaibigan muna.. ok lang ba?

Ngumiti si Ram bilang pagsang-ayon.

Dumating ang araw ng pagpunta namin sa bahay ng aking mga magulang. Gaya ng plano ay pinakilala kong kaibigan si Ram.

"Paano naman kayo nagkakilala ng anak ko, 4th year ka at 2nd year itong si Brent?" tanong ni papa.

"Ah.. eh ano po, may school activity po non at sumali si Brent.." dahilan ni Ram.

"So bukod sa presidente ng student council at scholar ay varsity player ka din tama ba?" patuloy ni papa.

"Opo sir.."

"Hmmm.. may girlfriend ka na ba iho?" ikinagulat namin ni Ram ang tanong na yon ni papa.

"Po.. ah eh meron po.. mahal na mahal ko nga po ang girlfriend kong yon.." sagot ni Ram na tumingin pa sa akin.

Hindi ako sigurado kung napansin ni mama ang pagsulyap ni Ram sa akin.

"Mabuti kung ganon. Ikaw ba Brent, wala ka pa bang ipapakilalang babae sa amin ng mama mo? Aba nauna mo pang ipakilala si Ram ah.." wika ni papa.

"Ahh.. ang papa naman.. bata pa ako.." sagot ko.

"Disisiete ka na.. bata pa ba yon? Saan ka pala nakatira Ram?" tanong ni papa.

"Ah eh sa Heritage po.. Umuupa po kasi ako ng apartment kasi malayo ang bahay namin sa school."

"Malapit ba sa apartment ni Brent?

"Papa naman, ang daming tanong.." biglang singit ko.

"Am I talking to you Brent?" wika ni papa.

"Papa naman kasi, baka uncomfortable na si Ram sa mga pinagtatanong nyo.." dahilan ko.

"Okay ka lang ba Ram?"

"Yes sir.."

Marami pang tanong si papa na sinagot naman lahat ni Ram. Ang plano namin ay umuwi din kami ng hapon ngunit hindi kami pinayagan ni mama. Doon na daw kami matulog.

"Kinabahan ako sa papa mo hon, parang nag-iimbestiga.. hehe" wika ni Ram.

"Ganon talaga yon.. tara ng matulog. Pumasok ka na sa kwarto mo."

"Di mo ba ako sasamahan?" nakangiting saad nito.

"Ikaw ha.. mamaya mahuli nila papa na wala ako sa room ko.."

"Andaya naman.. pakiss na nga lang.." wika ni Ram. Bukod sa halik ay yumakap pa ito.

"Tama na.. matulog na tayo.. pag-uwi na lang natin hehe" pilyo kong wika.

Kinabukasan ay inihatid pa kami ni papa. Tahimik lang ito habang nagmamaneho. Pagdating namin ay saka pa lang ito nagsalita.

"Ram, ikaw na ang bahala kay Brent. Alagaan mong mabuti ang anak ko." wika ni papa.

"Papa?" pagtataka ko.

"Anong sagot mo Ram?"

"O-opo sir.."

"Good. At ikaw Brent, wag mong bigyan ng sakit ng ulo si Ram. Wag kang matampuhin."

"Papa.. what do you mean?"

"Alam ko kung anong meron kayo. Hindi ko kayo pipigilan sa gusto nyo pero mag-aral kayong mabuti." pagkawika ay agad na itong sumakay sa kotse at umalis.

Itutuloy...

1 comment: