Pag-uwi ko ng hapong iyon ay dinatnan ko si Ram na naghihintay sa harapan ng apartment namin.
"Brent, di ko pa nakukuha yong susi ng kwarto ko sa amin. Pinuntahan ko yong landlady natin para hiramin yong duplicate eh bukas pa daw ang uwi." kwento nya.
Hindi ako sumagot. Binuksan koh ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Sinundan nya ako sa loob.
"Sorry kagabi. Wag ka na magalit Brent. Pwede bang matulog dito ngayong gabi?"
"Kaya ka ba nagsosorry para makitulog?"
"Hindi sa ganon."
"Ayoko. Sa iba ka na lang matulog. Baka maulit lang yong nangyari kagabi.
"Bakit ba hindi mo maamin sa sarili mo kung ano ka? Wala naman problema kung bakla ka eh." wika ni Ram.
"Lumabas ka na lang pwede?"
"Yan ang hirap sayo Brent! Kahit si Andy alam kung ano ka pero pilit mong itinatanggi!"
"Ang kulit mo din ha? Ano bang gusto mo mangyari ha? Lilinawin ko sayo Ram, hindi ako bakla! Baka ikaw ang bakla dahil ikaw ang dikit ng dikit sa akin!"
Isang matalim na tingin ang pinakawalan ni Ram. Hindi na ito sumagot at umalis na. Huli na ng namalayan kong umiiyak na ako.
"Frend! You know, pakiramdam ko mahal ka ni Ram." wika ni Andy habang nasa canteen kami.
"Andy kung ayaw mong magkagalit tayo, stop metioning his name."
"Pero ramdam ko love ka ni Mr. Dreamboy.."
"Sabi wag mong banggitin ang pangalan nya eh."
"Oy frend loka ka, sinabi ko ba? Mr. Dreamboy ang sabi ko. Affected ka ha, lalo kang napaghahalata.. Teka, ayun sya oh.." sabay nguso ni Andy na ang tinutukoy ay si Ram. May kasama itong babae, si Bernadette!
Alam kong nakita ako ni Ram pero hindi nya ako pinansin.
"Uy Andy, Brent pwede ba makishare ng table? Wala ng vacant eh." si Bernadette yon kasama si Ram.
"Ah sige.." sagot ko.
Tahimik lang kami ni Andy habang nakukwento si Bernadette.
"Absent daw si Mrs. Lopez.." wika ng babae.
"Tapos ka na ba? Tara na sana." wika ni Ram kay Bernadette.
"Nagmamadali ka ba?"
"Oo eh, may gagawin kasi kami sa council."
"Ah sige.. Teka sa pad ko ba ikaw ulit matutulog mamaya?" tanong ni Bernadette. Nagkatinginan kami ni Andy sa nadinig.
"Ha.. Hindi.. Nakuha ko na yong duplicate key ko. Tara na Bernadette."
Naiwan kami ni Andy na hindi alam kung pano marereact sa nadinig.
"Homaygawd! Dun natulog si Papa Ram sa pad ni Bernadette?"
"Ang boses mo.. Hinaan mo nga. Tara na."
Habang naglalakad kami ay ayaw pa din akong tigilan sa pagtatanong.
"Frend? Anong nangyari sa inyo ni Papa Ram? Break na ba kayo? Bakit nagkaganon? Diba mahal ka nya? Sumagot ka naman.. Wala na ba kayo ni Ram?"
Sa lakas ng boses ni Andy ay may ilang estudyante and nakadinig.
"Shut up Andy!" tumakbo na lang ako palayo dahil ramdmo ko pinag-uusapan na kami ng mga taong nakadinig sa sinabi ni Andy.
Agad na kumalat ang tsismis sa amin ni Ram.
"Brent nadinig mo na ba yong tsismis?" si Bernadette yon.
"Hindi yon totoo."
"Alam ko naman, ewan ko nga kung sino naninira sa inyo."
"Totoo bang natulog sa pad mo minsan si Ram?" lakas loob kong tanong.
"Oo.. pero quiet ka na lang ha. Baka kumalat pa madagdagan pa yong isyu eh mapasama pa si Ram."
Para akong sinuntok sa nalaman ko. Ngayon ko nasigurong pinaglaruan lang talaga ako ni Ram.
"Frend sorry ha. Sa kadaldalan ko ganito pa ang nangyari. Pinag-uusapan na kayo sa buong university." si Andy iyon.
"At lumalabas na ako ang naghahabol sa kanya Andy na hindi naman totoo. Pano ko idedeny ang lahat ngayong alam na nila na magkatabi lang ang apartment namin ni Ram. Hindi ko kaya ang ganito Andy. Nakakahiya! Pero ang totoo sila naman ni Bernadette. Don pa nga sya natulog minsan." naiinis kong wika.
"Frend, diba kaibigan mo ako. Sabihin mo sa akin ang totoo. Makikinig ako. Trust me frend.. please?"
Alam kong tunay na kaibigan si Andy kaya nagpasya akong sabihin ang totoo na mahal ko na si Ram ngunit natatakot ako na masaktan.
"Sabi ko na eh! Welcome sa pederasyon frend! Pero frend bakit di kayo mag-usap ni Papa Ram? I think love ka din nya."
"Imposible yon.. Sila na ni Bernadette."
"Bakit? Inamin ba nila? Hindi naman diba? Ipaglaban mo yang Mr. Dreamboy mo kesa yang nagmumukmok ka dyan! Ang swerte mo nga, ikaw ang nilalapitan ng katulad ni Ram pero nilalayuan mo. Ayan nakakita ng merlat! Laban frend bago tuluyang maligwak ang beauty mo!" mahabang wika ni Andy.
Kinagabihan ay nagpasya akong kausapin si Ram.
"Ram pwede ba tayo mag-usap?" wika ko.
"Anong pag-uusapan natin?"
"Sorry don sa tsismis na kumakalat. Si Andy kasi.. may nakadinig sa kanya."
"Wala sa akin yon.."
"Pero paano ang reputasyon mo sa school.. yong sasabihin ng ibang tao?"
"Brent, manhid ka ba? Mahal kita! Nong una hindi ko matanggap sa sarili ko na magkakagusto ako sa kapwa ko lalaki pero nagpakatotoo ako sa nararamdaman ko sayo! Pero anong napala ko? Pilit kang lumalayo kahit alam kong mahal mo din ako!"
Nabigla ako sa pagtatapat ni Ram. Mahal pala nya ako pero natatakot pa din ako.
"Ram.."
"Brent, please tell me that you love me too.."
"Pero Ram..."
"No buts please.."
"Oo.. mahal din kita.." pag-amin ko sa kanya.
Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa labi.
"Pero pano si Bernadette?"
"Pano sya nasali sa usapan?"
"Kayo diba?"
"Hindi kami. Nagseselos ka sa kanya?"
"Eh bakit ka natulog sa kanila?" usisa ko.
No comments:
Post a Comment