Thursday, July 5, 2012

Mr. DREAMBOY (part 3)

Matapos namin mag-agahan ay lumipat na si Ram sa silid niya upang maghanda sa pagpasok.

"Frend, ngaun mo sabihin di mo crush is Papa Ram!" pangungulit ni Andy.

"Hindin nga eh. Hindi ko sya crush dahil di ako bakla.." tugon ko.

"Hay naku, denial queen ka talaga.. eh naamoy naman kita nuh.. "

"Suntok gusto mo?!" kunwari ay inis ako.

"Ayaw.. masisira ang beauty ko."

Sabay pumasok ang tatlo ng umagang iyon. Si Andy ay pangiti-ngiti pa din dahil sa mga pangyayari.

Sa paglipas ng mga araw ay lagi kaming magkasabay ni Ram pumasok. Ganon din sa pag-uwi. Si Andy ay panay na din ang panunukso sa amin ni Ram nah tila okay lng sa binata.

"Cge daanan mo na lang ako sa student's office mamaya para sabay tayo umuwi." wika ni Ram isang araw.



"Ang sweet ni Papa Ram." wika ni Andy.

"Anong sweet don eh magkapitbahay kami kya natural lng yun." sagot ko.

"Ewan ko sayo frend. Ayaw mo pang aminin na gusto mo sya. Boto naman ako sa kanya for u eh.."

Isang batok ang pinakawalan ko.

"Aray ha.." reklamo ni Andy ngunit nakangiti naman.

Matapos ang klase ay agad akong nagpunta sa opisina ng student's council. Nakita ko si Ram may kausap na babae. Ang babaeng iyon ay si Bernadette na kaklase nya at mukhang nakakasiyahan sila.

Bigla kong naisip ang crush ni Ram.

"Hindi kaya si Bernadette iyon crush nya?" wika ko sa sarili.

Hindi na ako lumapit kay Ram at nagpasya na lang akong umuwing mag-isa. Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naiinis akong makita syang may kausap na babae.

Isang oras pa lang akong nakakauwi ng my kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ay si Ram iyon.

"Akala ko ba dadaan ka sa office?" tanong nya.

"Baka kasi busy ka. Di na ako dumaan." sagot ko.

"Ang daya naman! Naghintay ako sayo, pinuntahan pa kita sa room nyo, hinanap pa sa library.. Yon pala nakauwi ka na!"

"Baka nga maistorbo kita sa pakikipag-usap mo sa crush mo.."

"Crush ko?!"

"Si Bernadette.. diba sya ang crush moh na transferee? Enjoy nga kayo magtawanan kanina eh."

"Teka.. so pinuntahan mo ako? Bakit di ka nagpakita? Nagseselos ka ba?" tanong ni Ram na nakangiti na ngayon.

"Ako magseselos? Bakit naman? Crush ba kita?" depensa ko.

"Hahaha.. Bakit ka namumula?" pang-aasar pa nya.

"Ewan ko sayo. Napipikon ka kc eh.."

"Wag ka sumimangot jan.." patuloy na biro ni Ram.

"Hay naku Ram! Pumasok ka na lang jan sa silid mo at naiistorbo mo ako." paasik kong wika sabay sara ng pinto.

"Bakit ba sya gnon.. Palibhasa kasi gwapo.." wika ko sa sarili. Bagamat naiinis ako ay naisip ko na baka naman nagalit sya ng pinagsarahan ko ng pinto.

Nilakasan ko ang loob ko at nagtungo sa kanyan silid. Medyo natagalan pa bago ko nagawang kumatok. Nang makabawi na ako ay kumatok na ako sa pinto na agad namang bumukas.

"Bakit?" tanong ng binata.

"Kumain ka na ba?" wika ko.

"Bumalik ka na sa room mo."

"Galit ka ba?"

"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"

"Talaga? Tara sa room ko, sabay na tayo magdinner.."

Biglang ngumiti si Ram.

"Di mo ako matiis no? Hehehe" panunukso nito.

"Ewan.." wika ko.

Nagulat na lang ako ng akbayan nya ako.

"Wag ka na umarte.. tara na, kain na tayo. Namiss ko ang luto mo eh hehe.."

Lihim naman akong kinilig sa pag-akbay nya. Matapos kumain ay nagkwentuhan pa kami.

"Hindi mo ba talaga crush si Bernadette?" tanong ko uli.

"Hindi sya ang crush ko.. yong crush ko masarap magluto." sagot nya.

Hindi ko malaman kung ako ang tinutukoy nya. Straight si Ram at bakit sya magka-crush sa lalaki. Naiisip ko tuloy minsan na biro lang sa kanya anga mga sinasabi nya.

"Talaga? Pinagluto ka na nya?"

"Oo.. Ikaw ba Brent, wala kang crush?"

"Ha.. wala eh.. studies muna."

Tila nalungkot naman si Ram sa sagot ko.

"Sige balik na ako sa room ko, antok na kasi ako eh." paalam ni Ram.

"Okay.."

Bago makalabas ng silid ko si Ram ay bumalik ito.

"Bakit?" tanong ko.

"Salamat sa dinner." wika nya at sabay halik sa labi ko. Bagamat dampi lang iyon ay sobra akong nagulat. Wala na sya ng makabawi ako.

"Shit.. ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit nya ginawa yon?" tanong ko sa sarili ko.

Kinabukasan..

"Hoy frend! Ano ba ang iniiisip mo? Si Papa Ram ba?" si Andy yon. Vacant namin ng mga sandaling yon.

"Bakit ko naman sya iisipin?" pagkakaila ko.

"Kunwari ka pa eh.. halata naman sya ang iniisip mo. Siguro mahal mo na sya ano? Ayiiiiiii in-love ang frend ko!"

"Ano ka ba? Pareho kaming lalaki no!"

"Tse! Eh ano naman ngayon?"

"Hindi ako bakla okay."

"Weh? Promise?"

"Suntok gusto mo?!" medyo inis kong wika.

Ang totoo ay naguguluhan ako. Nagtataka kung bakit ganon ang pakikitungon ni Ram sa akin, sobrang sweet. Natatakot din ako na umibig sa kanya dahil baka masaktan lang ako.

Linggo ng hapon yon. Malakas ang ulan. Mag-isa lang ako non dahil umuwi si Ram sa kanila. Mamayang gabi pa ang dating nya.

Ilang saglit lang ay may nagtext sa akin. Si Ram iyon, nagpapasundo sa may kanto dahil walang dalang payong. Hindi na ako nag-atubiling puntahan sya.

"Ang liit naman ng payong mo." wika ni Ram.

"Ikaw na ang nagpapasundo jan ikaw pa ang ganyan. Wag ka kaya sumukob." sagot ko.

"Biro lang.. Bakit ang sungit mo sa akin?"

"Tama na ang daldal.. tara na."

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment