Friday, July 6, 2012

Mr. DREAMBOY (part 4)

Dahil maliit ang payong at sa lakas na din ng ulan ay nabasa kami.

"Shit! Naiwan ko yong susi ng apartment ko sa amin." wika ni Ram.

"Ha? Pano yan?" alala kong tanong.

"Hindi ba ako pwede dyan sayo muna?"

Bigla akong napatingin sa kanya. Di ko naman sya matatanggihan kaya pumayag na ako.

"Pahiram naman ng extrang damit." wika ni Ram.

Agad ko namang ikinuha sya ng bihisan. Nagulat na lang ako ng bigla syang maghubad sa harapan ko.

"Magshower ka muna baka sipunin ka." suhestyon ko.

"Di mo ba ako sasabayan?" wika nito sabay kindat.

"Ewan ko sayo! Bakit ka ba ganyan sa akin? Gusto mo ba ako?"



"Bakit ka ba napipikon? Hindi mo ba ako type?"

Sa inis ko ay binato ko sya ng tuwalya. Pumasok na ito ng banyo upang maligo. Sa totoo lang ay parang gusto kong kiligin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka sinusubok lang nya ako.

Nakatapis lang ng tuwalya si Ram ng lumabas ito. Hindi ko tuloy maiwasan sulyapan ang katawan nya.

"Ikaw di ka ba magshower?" tanong nya.

"Oo maliligo na" sagot ko.

Hindi naman ako natagalan sa banyo at paglabas ko ay nakatowel pa din sya.

"Hoy wala ka ba planong magbihis?" sita ko.

"Mamaya na.."

"Now na!"

"Wow, parang asawa kung mag-utos ah hehe"

"Bakit ba lagi mo ako inaasar?"

"Ang cute mo kasi kapag naaasar ka hehe.. inuman tayo maya ha.."

Nag-inuman nga kami ni Ram ng gabing iyon.

"Brent may experience ka na ba?" tanong nya.

"Experience san?"

"Uhmmm.. sa sex."

"Wala pa.. Siguro ikaw madami na." biro ko.

"Hahaha.. Hindi naman madami pero hindi din konti.."

"Siguro pag my nagyaya sayo pinapatulan mo no?"

"Grabe ka naman Brent. Hindi naman ako ganon at saka puro sa girls pa lang ang experience ko. Pero pag ikaw ang nagyaya, payag ako." sagot nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko iyon inaasahan.

"Ram, mahiya ka nga sa sinasabi mo. Lasing ka na ata eh!"

"Ayaw mo ba Brent? Game ako.." tila nanunuksong wika nito.

Hindi ko na sinagot ang tanong nya. Subalit mabilis ang pangyayari. Hinalikan nya ako sa labi. Gusto ko syang pigilan pero hindi ko na magawa dala ng espirito ng alak at tila nagugustuhan ko ang mga halik nya. Kaysarap ng kanyang mga labi. Subalit bigla akong natauhan at itinulak sya.

"Bakit Brent?"

Hindi ako sumagot. Unti-unting pumatak ang aking mga luha.

"Brent, bakit ka umiiyak?" tarantang tanong nya.

Hindi pa din ako umimik. "May problema ba?"

"Ram.. ayokong making bakla. Ayoko ng ganito. Ayokong masaktan." wika ko habang patuloy sa pag-iyak.

"Pero nagustuhan mo naman yong mga halik ko dba?"

"Dahil nga sa mga halik na yan nagugulo ako Ram! Pakiramdam ko inaakit mo ako at pinaglalaruan."

"Hindi Brent.."

"Hindi? Pero halos i-seduce mo ako. Tapos sobrang sweet mo pa. Ano yon, mahal mo ako? Alam ko naman pinaglalaruan mo lang ako eh."

"Ano ka ba Brent? Hindi kita pinagtitripan. Totoo ang mga ipinapakita ko sayo!"

"Ram, please stob being like that. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayokong maging bakla!" sigaw ko.

"Ayaw mong maging bakla pero nong unang malasing ako dito sa kwarto mo, hinipuan mo ako! Ngayon mo sabihin sa akin na ayaw mong maging bakla! Magpakatotoo ka nga Brent!" sigaw ni Ram. Lumabas ito ng silid kahit umuulan.

Ikinagulat ko ang sinabi nya. Ngayon ay napatunayan kong tama ang hinala ko na sinusubukan nya lang ako. Muling pumatak ang mga luha ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nasakta ako sa mga sinabi ni Ram.

Gusto ko sanang sundan dahil malakas ang ulan at nag-aalala ako pero mas pinili kong manatili.

Magdamag ko syang hinintay ngunit nakatulog din ako sa kaiisip sa mga nangyari.

Paggising ko kinabukasan ay wala pa din sya. Gusto ko syang tawagan at itanong kung saan natulog pero naiwan pala nya ang cp nya sa apartment ko. Naghanda na ako sa pagpasok. Bahala na kung ano mangyari kapag nagkita kami sa school.

"Frend bakit quiet ata ang beauty mo?" tanong ni Andy ng magkita kami sa school.

Hindi ako sumagot.

"Hoy bruha bakit kako silent mode ang ganda mo? Nag-away ba kayo ni Papa Ram? Di kayo sabay pumasok kanina diba?"

"Pwede ba Andy wag mo akong kausapin ng ganyan! Sinabing hindi ako bakla at wala akong pakialam kay Ram! Sino ba sya para pag-aksayahan ko ng panahon ha!" inis na sagot ko kay Andy sabay talikod upang umalis. Nagulat na lang ako pagtalikod ko kay Andy ay bumulaga sa aking harapan si Ram. Nadinig ata nya yong sinabi ko pero wala akong pakialam. Lumakad ako palayo sa kanila.

"Uy Papa Ram, anong problema ng kaibigan ko? Nag-away ba kayo?" tanong ni Andy.

"Hindi ko alam don.."

"Hay naku, ayaw pa kasing umamin na love ka nya eh halata naman!"

"Wag mo na lang sya kulitin tungkol sa bagay na yan para di uminit ang ulo nya ha.." wika ni Ram.

"Uyy! Concern sya sa frend ko! Love mo din ba sya?" pangungulit ni Andy.

Ngumiti lang si Ram.

"Sige Andy pasok na ako ha." paalam ng binata.

"Aaayyiiii... love ni Papa Ram and frend ko! Homaygawddd!!" tili ni Andy. Buti na lang at wala masyadong estudyante sa paligid non.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment