Tuesday, July 10, 2012

Mr. DREAMBOY (part 7)

"Bukas pagpasok natin wag kang magpapaapekto sa mga madidinig mo. Hayaan mo lang sila, ang mahalaga nagkakaintindihan tayong dalawa." wika ni Ram.

"Ram.. mahal kita.."

"Ikaw din hon, mahal ko. Hindi ko hahayaang may manakit sayo. Pag may nanggugulo sayo isumbong mo lang sa akin at ako ang bahala."

Ang sarap pakinggan ng mga binitawang salita ni Ram. Ngayon ay handa na akong harapin ang lahat dahil alam kong hindi ako iiwan ni Ram.

Gaya ng inaasahan ay laman kami ng usapan ni Ram sa buong campus. Madaming masasakit na salita akong nadidinig pero di ko yon pinansin. May mga tila kinikilig naman sa amin ni Ram.

Hindi naman naapektuhan ng tsismis ang pagiging presidente nya ng student council.

"Bongga ka frend! Hayaan mo lang yong mga chismosa kasi ikaw ang mahal ni Papa Ram." wika ni Andy.

"Oo naman, basta masaya kami ni Ram yon ang mahalaga."

Sunday, July 8, 2012

Mr. DREAMBOY (part 6)

"Nagmamagandang loob lang sya kasi nong gabing ayaw mo akong patulugin dito nagkita kami sa bayan." kwento ni Ram.

"Ganon ba.." sagot ko.

"Wag ka na magselos.. sayo lang ako Brent.."

"Ram.. pano yong sasabihin ng iba?"

"Wag mong isipin ang sasabihin ng iba.. ang mahalaga, nagmamahalan tayo.."

"Talaga bang mahal mo ako Ram?"

"Hindi pa ba sapat na nagtapat ako sayo? Ikaw lang naman ang tumatanggi sa kagwapuhan ko.. hehe"

"Hmpp! Ang yabang ha..."

"Bakit totoo naman diba? Kaya nga nong gabing nalasing ako, muntik ka ng di makapagpigil eh."

Friday, July 6, 2012

Mr. DREAMBOY (part 5)

Pag-uwi ko ng hapong iyon ay dinatnan ko si Ram na naghihintay sa harapan ng apartment namin.

"Brent, di ko pa nakukuha yong susi ng kwarto ko sa amin. Pinuntahan ko yong landlady natin para hiramin yong duplicate eh bukas pa daw ang uwi." kwento nya.

Hindi ako sumagot. Binuksan koh ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Sinundan nya ako sa loob.

"Sorry kagabi. Wag ka na magalit Brent. Pwede bang matulog dito ngayong gabi?"

"Kaya ka ba nagsosorry para makitulog?"

"Hindi sa ganon."

"Ayoko. Sa iba ka na lang matulog. Baka maulit lang yong nangyari kagabi.

"Bakit ba hindi mo maamin sa sarili mo kung ano ka? Wala naman problema kung bakla ka eh." wika ni Ram.

Mr. DREAMBOY (part 4)

Dahil maliit ang payong at sa lakas na din ng ulan ay nabasa kami.

"Shit! Naiwan ko yong susi ng apartment ko sa amin." wika ni Ram.

"Ha? Pano yan?" alala kong tanong.

"Hindi ba ako pwede dyan sayo muna?"

Bigla akong napatingin sa kanya. Di ko naman sya matatanggihan kaya pumayag na ako.

"Pahiram naman ng extrang damit." wika ni Ram.

Agad ko namang ikinuha sya ng bihisan. Nagulat na lang ako ng bigla syang maghubad sa harapan ko.

"Magshower ka muna baka sipunin ka." suhestyon ko.

"Di mo ba ako sasabayan?" wika nito sabay kindat.

"Ewan ko sayo! Bakit ka ba ganyan sa akin? Gusto mo ba ako?"

Thursday, July 5, 2012

TAMBAYAN 2nd GEB (June 30, 2012)



Mr. DREAMBOY (part 3)

Matapos namin mag-agahan ay lumipat na si Ram sa silid niya upang maghanda sa pagpasok.

"Frend, ngaun mo sabihin di mo crush is Papa Ram!" pangungulit ni Andy.

"Hindin nga eh. Hindi ko sya crush dahil di ako bakla.." tugon ko.

"Hay naku, denial queen ka talaga.. eh naamoy naman kita nuh.. "

"Suntok gusto mo?!" kunwari ay inis ako.

"Ayaw.. masisira ang beauty ko."

Sabay pumasok ang tatlo ng umagang iyon. Si Andy ay pangiti-ngiti pa din dahil sa mga pangyayari.

Sa paglipas ng mga araw ay lagi kaming magkasabay ni Ram pumasok. Ganon din sa pag-uwi. Si Andy ay panay na din ang panunukso sa amin ni Ram nah tila okay lng sa binata.

"Cge daanan mo na lang ako sa student's office mamaya para sabay tayo umuwi." wika ni Ram isang araw.

Wednesday, July 4, 2012

Mr. DREAMBOY (part 2)

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero d ko maiwasang tingnan ang magandang niang katawan. Maganda ang hubog nito.

“Sensya ha dna ako nakapgdamit, sarap ng luto mo ah..”

“HRM student kya ako..” biro ko.

“Oo nga pala… mukhang kumpleto ka ng gamit dito ah. Ako mga basic stuff lang ang meron hehe..”

Matapos niyang kumain ay nagkwentuhan pa kami. Nalaman ko na kaya pala sya lumipat ay malayo ang dati niyang apartment at mahal pa ang pamasahe.

“Umiinom kaba Brent?”

“Oo umiinom ako.”

“Tara inom tayo maya gusto mo?”

Tuesday, July 3, 2012

Mr. DREAMBOY (part 1)

Ako si Brent Rosales, transferee sa isang sikat na unibersidad sa bandang norte. Kumukuha ako ng kursong HRM at nsa ikalawang taon na.

“BAkit ngaun ka lang?”

Si Andy iyon, ang una kong kaibigan sa eskwela. Nakilala ko sya nung enrollment.

“Maaga pa kaya para sa 1st subject ah… Ano bang meron?

“Tara sa auditorium, panuorin natin si Ram, may speech kc ung mga nanalo sa student council.”

“Anung paki ko dun sa Ram na un?” sagot ko.

“Kunwari kpa, crush mo din kaya si Ram! Ang guapo at macho pa!” Biro ni Andy.

“Suntok gusto mo?”